malungkuting bulate

ang kalungkutan ay isang bulate. sumusulpot sa tag-ulan ng iyong buhay,at sa tag-araw, akala mo'y wala. yun pala'y nagtatago lang sa ilalim ng lupa...bumabaon...lumalalim...

Thursday, July 20, 2006

ang aking payong





 


Naglalakad ako sa EDSA
nang biglang pumatak
ang ulan
ulan
ulan
ulan
naging
baha
baha baha
baha baha baha
Naalala ko bigla,
may payong nga pala ako!
Sa loob ng backpack!
Kaya't
binuksan ko ang aking payong,
sumakay ako sa payong ko,
ginawa kong bangka,
ngunit...
dahil sa ang payong ko ngayon ay bangka,
at patuloy pa rin sa pagpatak ang
ulan
ulan
ulan
at wala na akong iba pang payong,
para gawing payong,
napupuno ng tubig-ulan ang aking bangkang payong
kaya't ako'y unti-unting
lumulubog
lumulubo
lumulub
lumulu
lumul
lumu
lum
lu
l
.


 


                                               18 oct '05
                                               Tuesday
                                               5.40 pm

4 Comments:

Blogger * diday kampupot * said...

oh wow, galing...

dumaan. :)

9:42 PM  
Blogger atomicvelvetsigh said...

ang galing nga! its been a while since you posted any update.. musta ka na?

2:55 PM  
Blogger uzuri said...

mabuhay knang muli batutz.

12:08 AM  
Blogger Piercing The Veil said...

ayos.... ok ang pagkakataos ng iyong tula



gandang umaga

10:49 PM  

Post a Comment

<< Home