malungkuting bulate

ang kalungkutan ay isang bulate. sumusulpot sa tag-ulan ng iyong buhay,at sa tag-araw, akala mo'y wala. yun pala'y nagtatago lang sa ilalim ng lupa...bumabaon...lumalalim...

Monday, September 12, 2005

prelude to paghihiwalay




mga butil ng kani'y nangangatal sapagkat nahahamugan
sa hapag ng hapunan
sa katre nama'y may naglalambong na kawalang-kibong tila
isang telang pinalulundo ng mga sinipsip na luha;
paminsan-minsa'y pinagtatangkaang punitin ang tela
subalit pagninisnis lamang ang kayang gawin ng tikhim
at buntong-hininga
naghihilom na rin ang mga paltos ng ashtray at ang telepono,
nagtikom na ng kanyang mga labi
samantala, sa bawat sulok ng silid, ang mga gagamba'y
nagsisimula nang humabi ng agiw.





10 aug 05
wednesday
6.12 pm




*photo by BlueBlack; from www.deviantart.com/deviation/8888422/

1 Comments:

Blogger Mitz said...

Oy!!! Pic to ni Blueblack!!! La lang, fan kase ako eh. Hehe. Astig. May address ka ba sa deviantart? Pasilip naman!

7:45 PM  

Post a Comment

<< Home